Sunday, May 30, 2010

Alipin - Shamrock



ALIPIN
Shamrock

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip.

Malabo man ang aking pgiisip
Sana'y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin.

Chorus:
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik.

Ayoko sa iba
Sa yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin.

Madalas man na parang
Aso at pusa giliw
Sa piling mo ako ay masaya.

(Repeat Chorus)

Pilit mang abutin ang mga tala
Bastat sa akin wag kang mawawala...

(Repaet Chorus)

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang s'yang aking iibigin.

No comments:

Post a Comment